MAGSAYA KAYO AT MAGALAK! Liham Pastoral ng Kapulungan ng mga Obispo sa Pilipinas
“Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa Kapayapaan
sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos.” (Mat 5:9)
Minamahal naming mga kapatid kay Kristo, hindi ba‘t lahat tayo’y naghahangad ng biyayang maging mga
anak ng Diyos? Kung gayon nga, dapat nating laging pagsumikapan ang maging daan ng kapayapaan sa mga
panahong ito ng pagkabalisa sa ating bansa.